Monday, October 27, 2008

CAIN AT ABEL (3rd Lesson)

Mga Layon:

1. Ipaalam ang kasaysayan O kuento nina Cain at Abel.
2. Ipaunawa ang aral na nakapaloob sa kasaysayan ng dalawang magkapatid.
3. Ipaliwanag ang Tunay at Di-Tunay na pagsamba.
4. Hikayatin magkaroon ng Tunay na pananambahan.


I. Sina Cain At Abel.
Genesis 4:1-8

v1Sinipingan ni Adan ang kanyang asawa at ito'y nagdalang-tao. Nang isilang ang kanyang panganay na lalaki ay sinabi ni Eva: "Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa tulong ni Yahweh." Kaya Cain ang ipinangalan niya rito. v2Sinundan si Cain ng isa pang anak na lalaki, at Abel naman ang ipinangalan dito. Naging pastol ito at si Cain naman ay naging magsasaka. v3Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid. v4Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog, v5ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit. v6Kaya't sinabi ni Yahweh, "Anong ikinagagalit mo, Cain? Bakit ganyan ang mukha mo? v7Kung mabuti ang ginawa mo, dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana'y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lapain ka. Nais nitong pagharian ka. Kaya't kailangang mapaglabanan mo ito."
v8Isang araw, niyaya ni Cain ang kanyang kapatid, "Abel, pumunta tayo sa bukid." Sumama naman ito, ngunit pagdating nila sa bukid ay pinatay ni Cain si Abel. (MBB 2nd ed.)
v1Kinaidda ni Adan ni Eva nga asawana ket nagsikog ti babai. Nangipasngay iti lalaki ket kinunana, "Babaen iti tulong ti Apo, naaddaanak iti anak." Iti kasta, pinanagananna iti Cain. v2Iti saan a nabayag, nangipasngay iti sabali nga anak a lalaki, ni Abel. Nagbalin ni Abel nga agpaspastor, ngem nagbalin a mannalon ni Cain.
v3Naglabas ti tiempo. Nangala ni Cain kadagiti apitna ket indatagna a kas daton ken ni Yahweh. v4Innala ni Abel ti inauna nga anak ti maysa kadagiti karnerona. Pinartina sana indaton dagiti kasayaatan a paset. Naragsakan ni Yahweh ken ni Abel ken iti datonna v5ngem linaksidna ni Cain ken ti datonna. Kasta unay ti pungtot ni Cain ket uray la nagrupanget. v6Kinuna ni Yahweh ken ni Cain, "Apay nga agpungtotka? Apay a kasta ti rupam? v7No naimbag ti inaramidmo, umis-isemka koma. Ngem gapu ta nagaramidka iti dakes, mayarig ti basol iti demonio nga agur-uray a mangkemmeg kenka. Kayatnaka nga iturayan ngem masapul a parmekem."
v8Kinuna ni Cain ken ni kabsatna nga Abel, "Intan agpassiar idiay away!"c Idi addada iti away, dinuklos ni Cain ti kabsatna ket pinatayna. (TBNDB)


Word Study: RELIGION, n. relij'on. [L. religio, from religo, to bind anew; re and ligo, to bind. This word seems originally to have signified an oath or vow to the gods, or the obligation of such an oath or vow, which was held very sacred by the Romans.]
American Dictionary Of English Dictionary By Noah Webster


II. Bakit Tinanggap Ang Handog Ni Abel?
Hebreo 11:4
v4Dahil sa pananampalataya sa Diyos, si Abel ay nag-alay ng mas mabuting handog kaysa sa inihandog ni Cain. Kaya naman, si Abel ay kinilalang matuwid nang tanggapin ng Diyos ang kanyang handog. Kahit patay na siya, nagsasalita pa siya sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa Diyos.
(MBB 2nd Ed.)
v4Gapu ta adda pammati ni Abel, nangipaay iti Dios iti nasaysayaat a daton ngem ti daton ni Cain. Babaen iti pammatina, nagun-odna ti yaanamong ti Dios kas nalinteg a tao agsipud ta inawat ti Dios dagiti sagutna. Gapu iti pammati ni Abel, agsasao pay laeng uray no natayen. (TBNDB)

III. Ano Ang Pananampalataya?
Hebreo 11:1
v1Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. (MBB 2nd Ed.)

v1No adda pammatitayo, ditay agduadua a pumudno dagiti namnamaentayo ket natalgedtayo nga adda dagiti bambanag a ditay makita. (TBNDB)

IV. Gaano Kahalaga Ang Pananampalataya?
Hebreo 11:2,6
v2Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
v6Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya. (MBB 2nd Ed.)
v2Gapu iti pammati, nagun-od dagiti tattao idi un-unana ti yaanamong ti Dios kadakuada.
v6Ngem no awan ti pammati, saan a mabalin a maparagsak ti Dios. Ta no umasidegka iti Dios, masapul a patiem nga adda Dios a manggunggona kadagiti agsapul kenkuana. (TBNDB)

V. Saan Nagmumula Ang Ang Pananampalataya?
Roma 10:17

v17Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. (ABAB)

v17Iti casta, ti pammati agtaud iti panagdengngeg; ket ti panangdengngeg agtaud gapu iti sao ni Cristo. (TSB)


VI. Ano Naman Ang Sinasabi Ng Panginoon Jesus Tungkol Sa Pananambahan?
Juan 4:23-24

v23 Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama. v2 4Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan. (MBB 2nd Ed.)

v23 Ngem umasideg ti tiempo, ket dimtengen, a dagiti napaypayso nga agdaydayaw, daydayawendanto ti Ama iti espiritu ken kinapudno. Ta dagiti kakasta ti sapsapulen ti Ama nga agdayaw kenkuana. v24 Ti Dios ket Espiritu. garud, dagiti agdaydayaw kenkuana masapul nga agdaydayawda iti Espiritu ken kinapudno." (TBNDB)



VII. Ano Ang Pagsamba Sa Espiritu?
Juan 4:24

. v2 4Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan. (MBB 2nd Ed.)

. v24 Ti Dios ket Espiritu. Ngarud, dagiti agdaydayaw kenkuana masapul nga agdaydayawda iti Espiritu ken kinapudno." (TBNDB)


Juan 20:27-29
v27At sinabi niya kay Tomas, Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.
v28Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko!
v29Sinabi sa kanya ni Jesus, Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita. (MBB 2nd Ed.)
v27sana kinuna ken ni Tomas, "Kitaem dagiti imak ken arikapem toy bakrangko. Pukawem ta duaduam ket mamatika!"
v28"Apok ken Diosko!" kinuna ni Tomas.
v29Kinuna ni Jesus kenkuana, "Mamatika kadi gapu ta nakitanak? Nagasat dagiti mamati nupay didak makita!"
(TBNDB)



VIII. Ano Ang Pagsamba Sa Katotohanan?
-Ano Ang Katotohanan?

Juan 17:17
v17Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan. (MBB 2nd Ed.)
v17Pasantoem ida babaen iti kinapudno. Ti saom isut' pudno.
(TBNDB)


IX. Ano Naman Ang Pananambahang Di Katanggap-tanggap Sa Diyos?
Mark 7:6-9

v6Sinagot sila ni Jesus, "Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo, nang kanyang isulat, 'Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang,
sapagkat ito'y sa bibig at hindi sa puso bumubukal.
v7Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba,sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos.'
v8Winawalang-kabuluhan ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo'y mga katuruan ng tao."
v9Sinabi pa ni Jesus, "Ang gagaling ninyo! Para lamang masunod ang inyong mga tradisyon, pinapawalang-bisa ninyo ang utos ng Diyos! (MBB 2nd Ed.)

v6Insungbat ni Jesus, "Pudno unay ti impadto ni Isaias maipapan kadakayo! Aginsisingpetkayo kas insuratna,
'Dagitoy a tattao,' kuna ti Dios,
'kunkunada a dayawendak babaen kadagiti bibigda.
Ngem adayo kaniak ti pusoda.
v7Awan serbi ti panagdaydayawda kaniak,
gapu ta isursuroda dagiti annuroten nga inaramid ti tao
a kasla ketdin bukodko a linteg.'
v8"Binaybay-anyon ti bilin ti Dios ket dagiti pannursuro ti tao ti tungtungpalenyo."
v9Ket intuloyna, "Nagsayaat ketdin ti panangilaksidyo iti bilin ti Dios tapno mataginayon dagiti pannursuro a tinawidyo.
(TBNDB)


Pangwakas:
1. Anong Uri Ng Pananambahan Meron Ka Ngayon? Nais Mo Bang Magkaroon Ng Tunay Na Pananambahan Sa Diyos?
2. Ano Ang Mas Mahalaga Sa Iyo Tradisyon O Utos Ng Diyos? Turo Ng Tao O Kautusan Ng Diyos?
3. Memory Verse: Juan 4:23-24
4. Next Lesson: “ Si Noa At Ang Malaking Baha”

No comments: